Saturday, September 18, 2010

Pangarap kong Lotto



Sikat na sikat ngayun ang PEPITO MANALOTO ng GMA 7,kahit ako natutuwang panoorin eto,sino ba naman ang hindi madadala sa pag papatawa ni Michael V.
Ang konsepto ng palabas ay hinango base sa mga pangarap ng pinoy ,ang manalo ng jackpot sa lotto.Sino ba naman ang hindi na ngangarap makuha ang ilang milyong papremyo ng lotto,tiyak pag nanalo ka nito hindi ka na makakatulog kabibilang ng kung ano ano ang bibilhin mo.
Siyempre kapag nanalo ako bibili ako ng bahay,mansion kung maari,ilang magagarang kotse at aambunan ko ang mga kamag anak ko ng hindi na sila manghihinge pa ng tulong kung kani-kanino.

Pero totoo ba na may nananalo sa lotto?Marami akong naririnig na may kaibigan ,kakilala o kamag anak daw sila tumama sa lotto,na kesyo tinayaan daw ang napanaginipang numero at ayun swerteng lumabas daw ang mga numero.Meron din naman tinitingnan sa mga itlog ng malalaking gagamba ang numero,ang nanay ko naman inaabanangan ang kapatid kong bunso tuwing matutulog at managinip dahil madalas etong mag banggit ng mga numero kapag tinatanong daw nang nananaginip.
Sa dami ng mga kwento hindi ko mabatid kung paano nag kakaroon ng panalo sa lotto,minsan akong tumaya at ang mga numero ay hinango ko sa birthday ng aking mga anak ,sa kabutihan palad balik taya naman ako.
Marami din naman akong nababasa na imbes maging maginhawa ang buhay ng tumama sa lotto ay lalong nasadlak sa bisyo ang mga eto dahil sa maling pag tingin sa pera,hindi naman ako naniniwala na masama ang pera ,ang mga taong humahawak dito ang nagpapabayang kainin sila ng pagiging ganid sa materyal na bagay gaya na ng bisyo.
Ang sarap sarap siguro ng pakiramdam na pag katapos mong manalo sa lotto ay makakapunta ka na sa mga lugar na gusto mong puntahan,halos lahat mabibili at magagawa mo nga naman kung may pera kang hawak.
Pero mas may sasarap pa ba kung pag katapos mong manalo ay makapag abot ka sa iyong pamilya na nangangailangan ng tulong,at makapg donate manlang sa mga bahay ampunan o sa mga nasunugan.Siguro yun ang pinaka masarap na magagawa mo kapag marami kang pera,ika nga sa isang kasabihan sa ingles 'the more you give the more you recieved'.

Sa totoo lang pag tumataya ako ng lotto,nag papasalamat na ako agad sa premyong tatanggapin ko kung saka sakaling palarin ako.Pero kada bayad ko sa kahera iniisip ko malayo ang mapupuntahan ng perang itinaya ko dahil alam kong marami ng natulungan ang PCSO,nung nangailangan ako ng tulong pinansyal para sa operasyon ng anak ko,hindi ako pinag damutan ng PCSO,at araw araw maraming nagtutungo at nag tiyatiyagang pumila dito para makakuha ng tulong.
Kaya sana sa pag taya niyo,wag nyong kalilimutang hindi lang basta legal na sugal ang lotto kundi kawanggawa din eto.Swertehin nawa tyo...

Saturday, May 15, 2010

GALIT SA KAPWA MAGNANAKAW

Eto ay para sa kaibigan kong matalik,na ang tingin sa BATAS ay walang KATARUNGAN.

Isang Ahente ng Customs Brokerage ang asawa ng matalik kong kaibigan.Malakas etong kumita kse masipag naman silang mag asawa.
Nabanggit sakin ng matalik kong kaibigan na tawagin nalang nating Bea (kamukha nia kse c Bea Alonso) na nag karon sila ng kasamaan ng loob sa pinag tatrabahuhan ng kanyang asawa.
Isa etong pribadong kumpaya na nag aalok ng serbisyo patungkol sa Customs Brokerage na kinakailangan ng mga importer sa pag release ng kanilang mga items sa bureau of customs.
Ang kwento ay ganito, masipag at magaling na ahente ang kanyang asawa na nagpapasok ng mga kliyente sa pribadong kumpanyang eto.May kapartner ang kanyang Mister na kapanalig nito sa pananampalataya ng alukin sila ng may ari mismo ng pribadong kumpanya na maging permanenteng kliyente na lamang sila ng kumpanya,kapalit na maari silang makigamit ng opisina kapag sila ay nag mamarket ng serbisyo.

Eto na nga maka lipas ang ilang buwan unti unti ang kapartner ng asawa ni Bea ay tumatamlay sa trabaho dahil sa hilig nito sa mga babae,ang kwento pa nga ni Bea ultimo ang may ari ng kumpanya napapansin iyon at nawawalan na raw ng gana sa pkikitungo sa kapartner ng asawa ni Bea,kung kayat sa mga hatian nila sa kita mas malaki ng kaunti lamang daw naman ang nilalamang ng asawa ni Bea,sa opinyon ko tama naman din yun dahil siya ang lubos na nagtatrabaho sa dalawa.Hindi nga daw siya uuwi hanggat may Container van na hindi pa naidedeliver,samantalang ang kapartner nito ay patawag tawag nalang taga follow up...at kukubra nalang kung may bayaran na.

Ilang buwan nagigipit na sa pera ang lalaking eto dahil bukod sa may pamilya at 3 anak na nag aaral sa mamahaling eskwelahan ginagastusan pa nito ang kabit nito....na lantaran naman nyang pinag mamalaki kahit kanino,hindi na lihim pa sa mga taga customs ang gawain nito at kung minsan para makapang delihinsya lamang ay gagamitin nito ang lakas kuno ng koneksyon ng kinaaanibang relihiyon,at may mga nauuto naman siya dahil kahit papano may nag bibigay ng barya...Hindi pa nagtagal lumabas ang tunay na kulay nito at nag pasya na daw siyang bumukod sa Asawa ni Bea.
Iyon pala sa kalaunan ay natuklasan ng mag asawa sinisiraan na ang kanyang mister sa iba nilang kliyente ginawan ng kwento ,ang sabi ko nga mag paliwanag nalang ang mister ni Bea,ngunit iba pala ang labanan sa customs walang kaikaibigan,pera pera ang labanan dto.
Ang masakit pa ang may ari ng kumpanya nakipag sabwatan sa dating kapartner ng asawa ni Bea,at bilang ganti hindi binayaran ng asawa ni Bea ang ilang serbisyo nito.

Natural magagalit ang mga eto dahil kung inakala nilang na isahan nila ang asawa ni Bea ay naiputan sila nito,ika nga 'matalino man daw ang matsing naiisahan din'

Sa ngayun,ang huling balita ko tuloy tuloy parin ang malaking kita ng mag asawa at ang balita nila dun sa mga taong sinamantala sila ay wala ng ibang pinag kakakitaan kundi balik nalang sa pagiging empleyado.Nakakatanggap pa nga daw sila ng pambabanta mula dito,at galing narin sa ibang mga kliyente nilang malaki ang tiwala sa mag asawa,sinisiraan sila nito sa kanila,buti nalang at mas naniniwala sila sa mag asawa.

Ewan ko nga ba bakit ang tao na may pera na kailangan pang gumawa ng masama,ayun tuloy imbes mag tuloy tuloy ang grasya naudlot pa...pera na naging bato pa...haaayyy...

Tuesday, April 13, 2010

WALANG TITULO

Karaniwan na sa atin ang makarinig ng mga kwentong,madrama ng mga babae.
Dito lamang sa aming compound,may kanya kanya kwento ng kadramahan sa buhay,khit ako marami din akong nakaluluha,makabagbag damdaming kwento,nahihiya lang akong ishare sa mga kapitbahay naming malalakas ang loob mag kwento ng kanilang buhay,kaya naisipan kong gumawa ng ganitong blog...para naman khit papano ay may mapag buntunan ako ng mga hinanakit,sama ng loob at mga nakasisiyang pangyayari sa buhay ko.

Nasa mid-20's na ako,may dalawang magandang anak na babae,at napaka guwapong asawa.
Masaya naman ako sa pag sasama namin, na kung minsan ay nagkakaron ng tampuhan at matitinding away,alam ko namang normal iyon sa pag sasama bilang mag asawa kagaya nga ng palaging sinasabi ng mga nakatatanda na o mas may experience na 'abnormal ang buhay mag asawa kung walang awayan at tampuhan'.
Kumpleto kame sa gamit sa bahay puno ng appliances ang bawat sulok ng aming tahanan,kung ano ang maisipang bilhin o napansing kailangan ng aming mga anak agad na binibili bastat nakaluluwag lang ang budget nmin.Masagana naman ang buhay namin,ndi kame nagkukulang sa pagkain,ganun din sa pera,oo naranasan din naman naming magipit,ilang taon din naging paulit paulit kaming nabutasan ng bulsa,pero sa mga panahong eto,simula noong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan naging maayos ang aming buhay.Ang sarap ng buhay may asawa kung ganito ang inyong nararanasan,mas ramdam ko ang sarap ng buhay kapag nakakatulog kami ng mahimbing sa gabi ng ndi nag aalala sa kakainin namin kinabukasan.

Sa totoo lang WALANG TITULO ANG TITLE nitong una kong ginawang artikulo dahil ndi ko alam kung ano dapat kung ititle dito...
Gusto ko lamang mag ka ideya ang mga mambabasang mapapadpad sa blog na to kung ano talaga ang mga ilalaman ng BLOG na ito...
Sana marami sa inyo ang mag share at mag kumento...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...