Tuesday, November 1, 2011

BEST FRIEND

Mahilig akong mag kwento,lalo na tungkol sa mga karanasan ko,pero hindi ito magiging kumpleto kung hindi kasama ang pinaka matalik kong kaibigan,si Dexter.Wala akong matandaan na mga panahong wala siya sa tabi ko,simula nung 3 taon gulang pa lamang ako at lumipat kame sa subdvision nila ay siya ang unang nakilala ko,6 na taon na siya nung,walang kapatid kung kaya't nawili daw siya sa akin at tinuring na baby sister.Wala kaming lihim sa isat isa,hindi naman siya mahigpit na kaibigan hindi rin siya mapag panggap sasabihin niya sa akin ng diretso kung ano ang nasa isip niya.Nung nasa high school na kami ay lagi niya kong hinihintay umuwi at nung mga panahong may nais na mag pakitang gilas sa akin ay siya ang kumilatis,hindi rin naman niya nililihim kung sino ang mga natitipuhan niya,pero ni minsan hindi ko naramdaman na binalewala niya ako at kinalimutan.
Sa unang halik ko ay siya din ang unang naka alam,hindi na ako nahihiya mag sabi  kanya ng mga pinapantasya ko hindi rin naman siya nag kukulang ng payo.Minsan nga ay tinutukso pa kami ng ibang tropa ,pero para sa amin isang biro lang iyon,hindi namin nais na masayang ang pagkakaibigan namin,masyado ko siyang mahal bilang kapatid at ganun din siya.Etong si Dexter kahit may sakit basta kailangan ko ng kausap aakyat sya sa bintana ko kahit dis oras ng gabi,at kinabukasan malalaman ko nalang putok na ang nguso ng lalaking nanakit sa akin.Naalala ko pa nga nung minsang sumama ako sa gimik ng mga kaklase ko ay tinawagan ko siya upang humingi ng saklolo,paano'y nais ko ng umuwi eh hindi naman ako pinaaalis ng mga kaklase ko,kung kaya't dumating si Dexter ,natakot naman sila nung makita nilang naka titig na sa kanila si bestfriend ko.At ng makalabas na ako ay nagtawanan nalang kameng dalawa,hindi naman kase totoong galit eto,pero dahil banat ang katawan sa gym at katangkaran nakakatakot nga naman kung talagang mainit ang ulo nito.
Idolo ko din etong si best friend ,ni minsan ay hindi ko nabalitaang nanakit ng babae,ilan narin ang naka relasyon niya at pawang mga papuring salita lamang ang naririnig ko patungkol sa kanya.Nung minsang tanungin ko siya kung bakit nag kahiwalay sila ng girlfriend niyang si Cheska ay natawa lang ako sa sagot niya,"hindi ko kase mapag bigyan sa gusto niya,katawan ko kase ang mahal niya" sabay kindat sa akin...ahahaha kahit alam kong nasaktan din siya ay hindi ko siya narinig na magbitiw ng masasakit na salita laban sa mga babae niya.
Wala yata akong masabing hindi maganda kay best friend,napaka bait kasi niyang tao,siya din ang nagturo sa akin na idonate nalang ang mga luma kong damit sa isang institusyon ng mga kababaihan,ang pamilya nila ay madalas mag kawanggawa.
Sumubok din naman kami ng mga bagay na tinitikman ng mga kabataan,pero hindi ako magkakalakas ng loob na gawin ang mga iyun kung hindi ko siya kasama,kampante ako pag nandiyan siya ,dahil alam kong hindi niya ako pababayaang malulong ng basta basta.

Ika-18 na kaarawan ko na at siya ay 21,kami parin ang matalik na mag kaibigan,siya parin ang kaisa isang taong nakaka alam ng lahat ng aking sikreto,siya parin si best friend ko na pinagtatawanan ako sa mga corny kong jokes.Habang sumasayaw kami sa aking kutilyon ay binulong niya sa akin ang nakita niyang nakatagong regalo ng magulang ko para sa akin, "may nakita ako!...pero hindi ko sasabihin" bulong pa niya. " ano yun?!" tanong ko naman, "pag sinabi ko sayo hindi na yun surprise,pero kung may bayad sige baka sakaling sabihin ko,mahalagang impormasyon yata eto" napahampas ako sa balikat niya dahil sa pambibitin, "sige na,ano ba kapalit na gusto ?" lumaki ang mga mata niya at bumilis ang ikot ng sayaw namin "sasabihin ko na syo basta ilakad mo ako sa pinsan mo,ayun oh..." pasimple niyang ininguso si Megan,tumango na lamang ako sa pag sang ayon "ok ok yun lang pala,ano ba iyun?" ....


Sa south expressway,alas nuebe ng gabi na at minamaneho ko ang regalong kotse sa akin ng mga magulang ko,eto ang sinasabing surpresa sa akin ni Dexter,isinama daw kase siya ng magulang ko bumili nito dahil siya ang nakaka alam ng mga paborito kong bagay at kulay,hindi naman sila nabigo ,nagustuhan ko talaga etong Honda jazz na blue,at pinangalanan kong DIXIE.
"hoy! ano yang nginingiti- ngiti mo?,ayusin mo yang pag da drive mo noh" saway nito sa akin, sa totoo lang ay hindi pa ako masyadong marunong mag maneho ,isang linggo pa lamang simula ng masakyan ko eto.
"oo na! kala mo naman sa akin engot?,hay naku if i know gusto mo lang dun sa kotse ni megan sumakay" kasabay ko din kase nag mamaneho sila megan at ang isa pa naming pinsan na si LALA.Mas matatanda sila sa akin at sanay na sanay na sa manibela, at bilang katuparan narin ng ipinangako ko kay Dexter na ilalakad ko siya kay Megan niyaya ko silang mag road trip."Ang bilis mag drive ni Megan,oh mag oover take pa sa atin" pansin ni Dexter, "ikaw matagal pa para matuto ka niyan,slow ka eh"...sabay asar at tawa niya sa akin
"Anong sabi mo?!"sigaw at pagalit na sagot ko pero nakangiti naman ako at sabay na kinambyo ko ang manibela.
"anak ng! anong ginagawa mo?...hindi ka pa magaling mag drive,tumigil ka nga!" awat niya sa akin
"kaya ko na noh!ahahaha takot ka noh?"natatawa kong lingon sa kanya "o bakit  namumutla ka na diyan?"
sa pag balik ng mata ko sa daan ay hindi ko napansin ang papalapit na truck,nasakop ko na pala pati ang kabilang lane kung kayat sa pag ka taranta ko ay imbes preno ay gas ang natapakan ko,naramdaman ko nalang ang hawak niya sa kamay ko upang ayusin ang manibela ,ang humaharurot na truck ay bumangga sa likuran ng aking kotse dahilan upang mag pa ikot ikot kame,sobra na ang nerbyos ko napabitiw na ako sa manibela napakapit nalang ako sa seat belt, nakita ko si Dexter na tinanggal ang seatbelt nya at mabilis na niyakap ako,sumisigaw siya "LEXIE YUMUKO KA!...TAPAKAN MO ANG PRENO!!!YUMUKO KA!!!" nakita ko ang isang malaking puno at natataranta akong tinapakan ang preno saka ko naramdaman ang higpit ng yakap ni Dexter,kasunod nun ay ang malakas na tunog ng pagbangga namin hanggang sa nawalan na ako ng malay.

May pumipisil sa aking mga daliri sa paa,hindi ko pa nais gumising ngunit makulit etong kumikiliti sa akin,kung kaya't napilitan akong imulat na ang aking mga mata,at tulad ng inaasahan ko ay ang matalik kong kaibigan ang nasa aking harapan.
"Ayan gising ka na!..." maluwag ang kanyang pagkakangiti
"kulit mo talaga,anong ginagawa mo dito?" nag unat ako at nakaramdam ng sakit sa braso at ulo,napahipo ako sa nuo ko at saka ko lamang napansin na may benda pala ako,at naalala ko ang aksidente
"Best! naaksidente tyo di ba?,ok ka lang ba!" hindi ko na napigilang umiyak
"im so sorry best,hindi ko na uulitin,pasensya ka na ha" nakokonsensya ako dahil sa katigasan ng ulo ko
"shooo...tahan na ha, ok naman na tayo eh,oh ayan at nagising ka na ,hindi na ako mag aalala" alo pa rin sa akin ni Dexter,ng pumasok ang nurse ay nagulat pa eto at tumakbo ulit palabas,tinawag ang doctor.

Ilang araw pa bago ako pinayagang makalabas ng ospital,nalaman ko mula sa aking ina na 2 linggo pala akong na-coma,nag ka roon daw ng internal bleeding ang aking utak dahil sa tindi ng pag kakatama ko sa pintuan ng aking kotse.
Hindi pa ako nakaka lakad ng maayos kung kaya't hanggang bakuran lamang ako ng aming bahay,hindi naman ako naiinip dahil gaya ng dati ay araw araw akong dinadalaw ng aking best friend,natutuwa naman ako at wala siyang tinamong pinsala.
Hinihintay ko nga siya ngayun dahil may pangako siyang may ibibigay sa akin.Habang nakatingin ako sa malayo ay lumapit ang mga magulang ko.
"kumusta ang pakiramdam mo anak?"
"ok naman ako mommy,hinihintay ko lang si Dexter,may usapan kase kame"
nag katinginan sila at nagkunot nuo, "lexie,anak,kaya nga kame nandito ay para sabihin sayo ang tungkol kay dexter" diretsong sabi sakin ni daddy,kinabahan ako
"ha?,bakit?,ano nangyari sa kanya?"nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila
"ma,ano yun?wag niyo sabihing sinisisi nyo sya sa pag kaka aksidente namin?" sobra na ang kabog ng dibdib ko,wala akong mahagilap na dahilan para kausapin nila ako tungkol sa matalik kong kaibigan.
"daddy,wag kayong magagalit kay dexter ,dahil sa totoo lang kasalanan ko ang lahat ,inawat niya na ako hindi ako nakinig,isa pa araw araw niya parin ako inaalagaan kahit naaksidente na kame"
rumihistro ang pagka lito sa mukha ng mga magulang ko.
"anak ,imposble yang sinasabi mo,sa totoo lang anak hindi namin agad sinabi sayo ito dahil baka maka bigat lalo sa loob mo at hindi ka agad gumaling"
"ano ba talaga iyun!,sabihin nyo na!" pinagpapawisan na ako sa nerbyos
"anak,hindi na umabot ng ospital si Dexter,dead on arrival siya sabi ng mga doctor,last week pa na cremate ang bangkay niya dahil,nagkalasog lasog na ito,nabasag ang bungo niya ng humampas sa harapan ng kotse,nabali din ang mga buto niya sa binti" tuloy tuloy na kwento ng aking ama,nalilito na ako at hindi makapaniwala
"nang abutan kayo ng mga sumaklolong  pulis ay nakayakap pa  sayo si dexter,alam namin na pinoprotektahan ka niya,nakita din ng mga pinsan mo ang lahat ng pangyayari,patay na siya anak,at malaki ang utang na loob namin sa kanya dahil iniligtas ka niya"
"HINDI!!! ma,hindi totoo yan,siya ang gumising sa akin sa ospital,pinindot pindot pa nga niya mga daliri ko sa paa!,araw araw nandito siya kasama sinasamahan ako,sinusubuan pa nga niya ako eh,ma,wag naman kayo ganyan,hindi magandang biro yan,imposible yan eh,may usapan kami kagabi na babalik siya dito ngayun dahil ibibigay niya sa akin ung regalo niya para sa debut ko!" tuloy tuloy ang agos ng aking luha,hindi ko matatanggap na totoo ang sinasabi nila sa akin.
Kahit pa ika ika ay pinilit kong tumakbo palabas ng gate at  tumakbo sa direksyon ng bahay nila.Habang papalapit ako ay tinatawag ko ang pangalan niya. "DEXTER!!!,BEST FRIEND! asan ka na ba?"
malalakas ang katok ko sa pinto nila ,"best,(hagulgul) lumabas ka diyan,magpakita ka ,sabihin mong hindi totoo ang sinasabi nila!" bumukas ang pinto at ang mama ni Dexter ang nakita ko.
"Tita si Dexter po,may usapan kase kame ngayun" basang basa na ako ng luha
"Iha..." bigla ay naluha narin siya,napansin ko sa isang sulok ng sala ay ang larawan ni dexter na may nakatirik na kandila at ilang plato ng prutas sa harapan,lalo akong nanlambot.
"Tita please paki tawag si dexter,(pero hindi ko na nahintay ang kanyang isasagot,dumiretso na ako pumasok sa loob at umakyat sa silid nya) DEXTER!!!(pagbukas ko ng pinto ay bumulaga sa akin ang isang painting) best?...best nasan ka ba?" umikot sa buong silid ang aking mga mata,ngunit walang dexter na sumagot,bumalik ang aking paningin sa painting.
Lalo akong naluha ng mabasa ko ang nakalagay sa ibaba ng painting,"to my one and only best friend LEXIE"
"Ingatan mo eto ha?,pinag hirapan ko kaya eto,im your knight in shining armor , love, Dexter" ang painting ay nung 3taon palang ako at sya naman ay 6 pa lamang,unang paskong pinag samahan namin.Lalo akong napahagulgol ,wala na akong magawa kundi yakapin ang larawan na iniwan para sa akin ng aking kaisa isa at matalik kong kaibigan.

Monday, October 3, 2011

Bakit?

Ilang buwan na simula ng naghiwalay tayo,hindi na rin kita nakikita sa kanto,na kung dati'y doon ka madalas naninigarilyo,siguro sa iba ka na dumadaan at tinigil mo na ang iyong bisyo.
Minsan naiisipan kitang silipin sa terrace nyo,di ba mag ka lapit lang naman tayo ng tirahan,pero kahit ganun parang tinatago ka ng pagkakataon.
O sadyang iniiwasan mo ako,tulad nalang nung mga huling buwan natin bago ka tuluyang nakipag hiwalay.Takang taka ako kung bakit bihira ka na mag text o tumawag,na kung dati rati ay hindi ka halos makauwi sa inyo dahil ang gusto mo mag ka kwentuhan lamang tayo.Nagagalit na nga ang nanay mo sayo,baka gusto mo na daw mag asawa kaya halos mag hapon ka na nasa amin.Ako man halos ayaw na rin kita pauwiin na kung pwede lang mabuhay ng katabi ka mag hapon hala sige ok lang wag na tayo kumain at matulog.
Naalala ko hatid at sundo mo ako sa trabaho,kahit pagod ka hindi ka nag rereklamo,kahit wala ka ng pang gas ,kukupit ka sa nanay mo para lang makarating ka sa opis ko.Sobrang taba ng puso ko sa mga ginagawa mo,isa ka nga raw dakilang boyfriend sabi ng mga officemate ko.Mag kasama naman tayo nung bago ako pumasok pero ayun pag uwi mo magbubukas ka agad ng Fb mo para mag ka chat tayo.Namimiss ko na iyon,sana alam mo yun...
Simula ng nag tapat ka ng pag ibig mo sa akin,wala na akong ibang ginawa kundi bumuo ng magagandang plano para sa atin.Unti unti ko ng nakikita ang buhay ko na kasama ka,nag iisip na nga ako kung anong kotse ang bibilhin natin,siguro pwede na muna ang sedan type na kotse tutal dalawa palang naman tyo,gagamitin lang natin pamasok sa trabaho,at kung sakaling maisipan naming mag roadtrip,di ba?.
Pero siyempre darating ang panahon at bubuo na tyo ng pamilya natin,kung kayat mag kakaanak tayo ,dapat lamang na bumili tayo ng mas malaking sasakyan,mag van type tayo,diba limang anak ang gusto mo.
Ah dalawang kotse siguro para kung sakaling nag aaral na sila ay ako nalang mag hahatid at sundo sa kanila sa school  habang ikaw ay kumakayod para sa ating kinabukasan.
Ako naman bilang may bahay mo,aayusin ko ng mabuti ang bahay na bibilhin natin mula sa isang kilalang developer,lilinisin ko ng mabuti bawat kuwarto.Wala kang makikitang kahit na anong kalat,kase alam kong ayaw mo ng magulo,ikaw na yata ang pinaka organize na taong nakilala ko.Ang kuwarto natin laging mabango,para kung pagod ka na ay makapag papahinga ka ng maayos.Sa mag hapon na wala ka at kumakayod wala akong ibang gagawin kundi pag butihin ang pagiging isang may bahay,mag aaral akong magluto,at makikita mo ako sa garden natin na naghihintay sayo tuwing hapon.Wala kang maririnig mula sa mga kapitbahay natin sa subdivison kundi puro papuri dahil napa ka perfect ng pamilya natin.

Haaayyy...sa isang iglap na hindi ko mawari lahat ng yan tila hindi na mag kakaroon ng katuparan.Bigla kang nag bago at hanggang ngayun hindi ko parin maintindihan kung bakit?...
Bakit nga ba? dahil ba lagi mo akong kasama ay nag sawa ka na?,tatlong taon palang naman tayong nag sasama parang napaka bilis naman yata?
Hindi ba ang mga mag katipan habang buhay ang nais na pag saluhan?.
Masyado ba akong madaldal?...hindi naman di ba dahil sa mga oras na mag ka away tayo kahit ikaw ang may sala ay nananahimik ako,pinababayaan kitang sabihin lahat ng gusto mo na kahit minsan ay nasasaktan mo na nga ako ay wala kang naririnig na masakit na sumbat mula sa akin,oo marunong akong mag hintay ng tamang panahon,hahayaan ko munang humupa ang init ng ulo mo bago ako magbigay ng opinyon .Naalala mo ba nung minsang nag kasagutan tayo ay bigla mong hinablot ang carpet na kinatatayuan ko dahil natapon doon ang pinaluto mong pulutan,dahil sa hindi naman ako nakahawak agad sa pader ay bumagsak ako at tumama ang ulo ko sa semento.Tinakbo mo ako sa ospital dahil nag susuka na ako sa hilo,tinawagan ko si Papa dahil wala naman tayong pambayad sa ospital nung mga oras na yun,pero nagalit ka dahil takot kang malaman nila kung ano ang tunay na nang yari,pero dahil mahal kita nag sinungaling ako ng tanungin ako ni papa,sabi ko nadulas lang ako sa banyo.
O baka naman na turn off ka dahil hindi ako magaling sa kama,alam mo naman ikaw lang ang lalaking naka angkin sa akin.Sayo lang ako natutong humalik.Kung ano ano ang posisyong pinapagawa mo pero kahit hirap ako at medyo nasusuya ay sige lang sinusunod ko dahil gusto kong masiyahan ka.
Nawalan ako ang trabaho at tumambay ng ilang buwan sa bahay.Kahit load ay wala ako kung kaya't ikaw ang madalas na tumatawag sa akin.Pero khit ganun,iniipon ko ang pinapadala ni papa para makabili ako ng pangarap mong gitara.Natatandaan ko ilang beses mo sa akin binanggit na gusto mong makabili ng bagong gitara,yan kase ang bisyo mo di ba ang tumugtog at sa totoo lang yan ang isa sa mga nagustuhan ko syo,pareho kase tyong mahilig sa musika.
Siguro nga nag sawa ka na sa pag suporta sa akin.Pero hindi bat may trabaho na ulit ako nung nakipag hiwalay ka?...Kaya nalilito ako bakit nga ba?Alam mo bang napaka hirap mag simula ulit ng hindi nasasagot an mga tanong ko?
Ang sakit sakit na wala na akong ginawa kundi mangarap ng para sa ating dalawa,binubuo ko na ang buhay ko na kasama ka eh,lahat ng maiisipan kong bilhin laging may share ka,ayoko na ngang mabuhay ng hindi ka kasama,sabi ko nga sa mga kaibigan ko na pangarap kita,isang pangarap na nung matupad ay nabuo ang pagkatao ko.
Oo ilang buwan na nga nung nakipag break ka pero hanggang ngayun parang walang katapusan ang mga tanong sa isip ko ,kung saan ba ako nag kulang,ano ba ang nagawa ko?
Nung araw na tanungin kita kung bakit bigla ka nalang nag iba ang sagot mo,Ikaw ang may deperensya,ikaw ang may kasalanan...pero hindi ko maintindihan,sabi mo pa pagod ka palagi sa trabaho kaya wala ka ng panahon pa para sa akin,pero hindi ba sa isang relasyon dapat may unawaan,kaya ok lang kahit lagi kang pagod ay hindi kita kukulitin makapag pahinga ka lamang,pababayaan kitang matulog basta alam kung pag gising mo ay tayo parin.Isang araw tinapat mo nalang ako na ang dahilan ay may natitipuhan ka ng iba...parang binayo mo puso ko at dinurog.Lalo akong naguluhan,anong meron siya na wala ako?...hindi mo rin nasagot.
Hindi maubos ang luha ko sa sobrang sakit na dinulot mo.Wala akong tigil sa kakatanong bakit mo nagawa sa akin eto?
Nag uubos ako ngayun ng oras  ko sa piling ng ilan kong kaibigan,nauunawan nila ang nararamdaman ko,Minsan naisip ko,gumanti sayo ano kaya kung mag pain ako ng isang babaeng paiibigan ka at  iiwan bigla,na sanay maramdaman mo din ang sakit na nararamdaman ko,na sana ay mahiwa ka din ng nakamamatay na hapding dinulot mo sa pag katao ko.Isang araw nakita ko ang dati kong karelasyon bago naging tayo,nag sabi din siya ng mga hinanakit niya sa naging kabiyak niya kung kaya dala ng kalasingan ay nagawa naming pawiin ang uhaw ng aming mga katawan.Sa sandaling pag kakaton naramdaman ko ang kalayaan simula ng iniwan mo ko,naging masarap ang bawat haplos niya sa akin,hindi kita naalala dahil mas magaling siya sa kama kesa sayo.Ngunit pag kalipas ng mga raw na paulit ulit naming ginagawa ang gayon ay bumabalik ako sa realidad,alam kong mali eto ,ano nalang ang sasabihin mo?,napariwara ako ng dahil sayo bibigyan kita ng dahilan upang makapag yabang na may isang babaeng nasira ang ulo ng dahil sa sobrang pagibig sayo.Hindi...hindi dapat na maging isang kabit lamang ako dahil nabigo ako sa tulad mo.Pero sana alam mo kung gaano kahirap ng pinapagawa mo na limutin nalang kita,sana alam mo kung gaano kahirap manghula ng sagot kung bakit ginawa mo sa akin eto,sana alam mo na ang bagal bagal ko maka move on dahil wala kang binigay na matibay at sapat na sagot sa tanong ko.Sana alam mong nakapatay ka ng isang taong walang ibang pinangarap kundi mabuhay ng kasama ka.

Chapter 2: mAy GuStO aKo SaYo

Enchanted Kingdom,eto ang huling distinasyon ng aming field trip.Hindi ko alam kung bakit taon taon kasama rin eto sa mga pinupuntahan,marahil pang akit eto sa mga estudyante,hindi naman sa lahat kase ng panahon may kakayahan makapasyal sa mga ganitong lugar ang iba naming ka eskwela.

Habang naglalakad kaming mag babarkada,hindi rin matigil ang bibig ng aking mga kasama,hindi kase mapag kasunduan kung ano ang aming sasakyan.Na kung pwede lang sabay sabay ,marahil ginawa na nila.Ako naman hindi mapakali,malikot ang aking mga mata sa paghahanap sa isang tao.Para akong naghahanap ng karayom sa gitna ng bukid,paano ba naman hindi lang kame ang eskwelahang nag lakbay aral dito,may tatlo pang ibat ibang unibersidad ang masayang naglilibot sa park na eto.

"Teka nga mazel,kanina pa kame daldal ng daldal dito,pero ikaw parang nawawalang kuting  diyan!" baling sa aking ni michelle.
"Ha! eh,bahala na kayo kase kung ano gusto niyo sakyan,dito nalang ako hihintayin ko nalang kayo." sagot ko sa kanya saka umupo ako sa isang bench sa harap ng periswheel.
"Ano ba yun!,kj naman nito."banat agad ni michelle.
"eh taon taon naman nandito tayo nasakyan ko narin naman lahat ng rides dito last year noh!",irap ko,sabay lingon sa likod ko,nasan na kaya siya?

"kainis naman etong camera ko,ang bilis malowbat,pahiram naman ako ng digicam mo mazel" si coring
"Sige kunin mo sa bag ko," sabay hagis ko ng bag kay coring ng hindi ako tumitingin,hindi ko napansin na may padaan palang lalaki sa harapan at siya ang tinamaan.

"AW!" sigaw niya,nasalo niya ang bag ko natumama sa dibdib niya,kasabay ng pagtayo ko dahil sa pag kagulat ay biglang kumabog ng malakas ang aking puso.Totoo ba eto?...hindi ko napansin na na pako na pala ang aking mga mata sa kanya.Ang lalaking kanina ko pa hinahanap,eto sa aking harapan.

"hazel,sayo ba eto?" bigla bumalik ako sa huwisyo,inabot niya ang bag ko sa akin.
"ah..oo" abot ko ng bag ko,"naku sorry ha,hindi ko kase napansin na may dadaan pala" nakatitig parin ako sa kanya ngunit ang aking katawan ay nanginginig habang yakap yakap ko na ang aking bag.
"ok lang yun,ang daming tao dito ngayun noh?" sagot niya sa akin,bigla siyang umupo sa bench na kanina ay kinauupuan ko rin.
"ha?...uhm oo nga eh,nakakahilo mag lakad"...sagot ko na hindi ko malaman kung uupo narin ba ako sa tabi niya,ako naman talaga ang naunang naka upo dun kanina...bakit ba...
ang aking mga barkada hayun at nagbubulungan,nakatingin sa amin at tila nakaka loko ang mga ngiti.
"Mazel diyan ka muna ha,sasakay lang kame sa Wheel of fate!" sigaw sa akin ni thea,sabay takbo nila palayo
"Ha?! teka..."natigilan nalang ako at napaupo ulit...hindi parin ako mapakali na katabi ko ang crush ko,teka inhale exhale,relax relax...baka mahalata niya ako

"ok ka lang ba?...parang hinihingal ka?" puna niya sa sakin,patay halata nga ako.
"oo naman,napagod lang ako kanina pa kase kame naglilibot dito.
"Mazel?...di ba hazel ka?,"tanong niya naka titig ngayon sa akin.
"ah...(ayyy nakatingin siya sa akin,baka may morning glory ako nakaka hiya) short for mareng hazel yun,yan kase tawagan namin magbebestfriends" pasimple kong pinunasan ang aking mata kunyari ay pinapapawisan lang ako.
"ikaw?,(baling ko naman sa kanya) bakit pala EYSHO, ang nick name mo?" matagal ko naring tanong yan sa isip ko,nakaharap narin ako sa kanya habang nag hihintay ng sagot.
"Di ba Ethan Johnson ang name mo ang layo yata sa palayaw mo?"
inaayos niya ang kanyang sapatos habang sumasagot, "Alam mo kase nung bata ako bulol ako,ahaha,tuwing tatanungin ako ni papa kung saan ko gustong kumain kapag namamasyal kame  Eyshocat sainasagot ko."
"ha? eyshocat? ano yun?"nagtatakang tanong ko habang tinitingnan ko rin ang sapatos niya.
"HAHA aristocrat!...(tumingin siya sa akin) yun daw kase paborito kung kainan nung bata ako"
nagkwento pa siya ng mga naging paborito niyang puntahan nun bata siya.
Sa totoo lang habang nag sasalita siya lumilipad naman ang aking diwa,Ethan Johnson...yan ang pangalan ng aking crush,magkasing edad lang kame, mas maputi pa siya sa akin,may lahi kase siyang german sinuwerte ang nanay niya nakapag asawa ng foreigner,kaya ayan ang guwapo ng resulta.Mamula pula ang mga daliri niya,hindi siya masyadong mabalbon,tama lang malinis tingnan,nasa lower section siya kase ngayung taon lang siya nag transfer sa eskwelahan namin,pero kahit bago lang siya,siya ang tinanghal na campus crush nung foundation day kame.Matangkad siya at laging naka clean cut ang buhok kasapi siya ng taekwondo team namin,kailan lang din ipinadala siya ng eskwelahan namin sa spelling contest,matalino siya at higit sa lahat hindi siya suplado.Hayyy eysho...

"hazel?...ayos ka lang?" nakatingin na siya sa akin,mukhang nagtataka
"ha?! ah oo...tinitingnan ko lang yung nagtitinda ng cotton candy ayun oh" turo ko dun sa mamang tulak ang cart ng cotton candy,siyempre kailangan ng palusot para hindi nakakahiya
"ah!oh pano dun muna ako ha,ok ka lang ba diyan?" tanong niya na nakatayo na
"oo naman!,ok lang sige na baka hinahanap ka na ng mga classmate mo" ay iiwan mo na ako?...sabi ko sa isip ko.
"ok sige,see you nalang sa school" patakbo na sana siya ,ng tawagin ko ulit,teka pasilay mo na ulit.
"ah,ethan!...(lumingon siya) sorry nga pala ulit ha" habol ko
hindi na siya sumagot,ngumiti nalang at nag lakad na palayo.

Tuesday, September 20, 2011

Chapter 1: mAy GuStO aKo SaYo

Kusang nagbukas ang aking mga mata ng mag alas kuwatro na ng madaling araw.Aha nauna pa ako sa alarm clock namin.Sa totoo lang hindi talaga ako masyadong nakatulog,excited ako sa field trip namin.
Hindi dahil sa wala kameng pasok ,hindi rin dahil sa libre na kame sa project ,ganun kase sabi ni teacher Fe,hindi na raw gagawa ng project kapag sumama kame sa fieldtrip...at lalong hindi dahil sa malaki ang baon kong pera ngayon, sigurado naman akong hindi na tataas pa sa dalawandaang piso ang pocket money na ibibigay sakin ni mommy,eh katwiran niya hindi naman daw ako mamamasahe.

Pag kaligo ko ay mabilis kong inayos ang aking mga dadalhin, face powder - check, lip gloss check,clinique happy - check, ah teka tootbrush mag babaon din ako tsaka extra tshirt uhmm ano kaya maganda,ah eto na lang   off shoulder na itim na pasalubong sakin ni daddy nung nasa singapore siya at syempre dapat nasa ilalim eto ng bag ko dahil kapag napansin na naman ng mga kabarkada ko na marami akong baon naku patay asar talo na naman ako .

"Uy si miss late dumating din sa wakas" bati agad sa akin ni Thea,isa sa mga classmate at best friend ko.

"Aba ,naka lip gloss,at ang buhok plantsado,ikaw na...ikaw na talaga Hazel ang reyna!" si michelle best friend ko din,ang pinaka malakas mang asar sa grupo namin.

"Ano ba!,tama na,ang iingay nyo nakakahiya.",awat ko sa kanila ng pabulong,nararamdaman kong namumula na ang pisngi ko sa kahihiyan.Sabi ko na nga ba wala silang ibang gagawin kundi asarin ako.Bakit obvious ba yung pag aayos ko?,halata bang nag effort ako sa field trip na to?...

"Eh teka,saan na ba yung bus natin?,kanya kanya ba ng bus kada section?" tanong ko sa kanila na palinga linga,hindi naman talaga yung bus ang hinahanap ko.

"Bus number 3 daw tayo sabi ni miss fe,tara na baka pangit na upuan pa mapunta satin noh!" sabay hila sakin ni Coring,sya yung pinaka matalino sa amin,ayaw na ayaw niya ang pangalan niya pero wala naman daw siya magagawa at yun nakalagay sa birth certificate niya,kaya habang buhay daw niya sisisihin ang nanay niya,ahahaha,tawang tawa ako tuwing babanggitin niya ang bagay na yan.

Pahakbang na ako para pumanhik ng aming bus ng matanaw ko ang isang taong kanina ko pa inaabangan,ayun siya sa isang Tapsilogan sa labas ng aming campus kasama niya ang mga barkada.bakit kaya hindi pa sila sumasakay ng bus nila?Hindi kaya siya sasama?,eh naka school p.e. uniform din naman siya tulad namin.

"Hoy! nakatulala ka na naman jan,ano ka ba umakyat ka na ng maka akyat narin kme noh." asik ni michelle,hindi ko napansin na naka harang na pala ako sa pintuan ng bus,natulala na naman sa lalaking yun.

"Wala pa yung bus nila kaya naka tambay pa sila diyan"bulong sakin ni coring habang nakatayo kame sa gitna ng bus at namimili ng upuan,huling huli na naman niya kung sino ang tinitingnan ko.
Wala naman akong lihim sa barkadahan namin alam nila kung ano ang gusto at kung sino ang nakaka tunaw ng puso ko.

"Mazel! Mazel," tawag sakin ni thea,yan ang palayaw ko short for mareng hazel,siyempre sino nagbinyag sa akin niyan?...aba etong mga magagaling kong best friends.
"Dito tayo,sabi sakin ni papa pinaka safe daw na parte ng bus e gitna." yaya ni thea

"wow ha,di pa tayo nakaka alis may trivia na agad",natatawang banat ni michelle,
"oh edi tabi nalang tayo mateh" palayaw ni thea ang mateh  "alam kong safe ako pag mag katabi tayo ahaha!"

Pinili ko ang tabing bintana kung saan kitang kita ko ang lalaking crush na crush ko.Ayun at nakikipag tawanan siya sa mga barkada niya,syet ang kanyang ngiti nakaka inlove,ang ngipin niya ang puti.
Ay biglang napalingon sa akin.Nataranta ako at biglang lumingon kay coring.kunyari ay napadaan lang ang tingin ko sa kanya,ayokong mahalata niya na crush ko siya.

"Macoh,wag kang magpapahalata ha,nakita yata niya naka tingin ako sa kanya,nakakahiya" sabi ko ke coring na medyo nanginginig ang boses ko.

"huh?teka ay." dahan dahan naman na pakunwaring sulyap lang ginawa niya sa labas ng bintana
"oo nga,ano ka ba nakatitig siya dito"madidiin at na halos hindi bumuka nag bibig ni coring habang sinasabi sa akin iyon.

Bigla ay nagsalita na ang aming adviser na si miss Fe.Paalis na daw ang aming bus at ang una naming pupuntahan ay ang National Museum,hindi ko first time makapunta dun pero taon taon kasama yan sa itenerary ng aming field trip.Dahan dahan na ngang umandar ang bus,naalala ko ang aking crush,pag lingon ko ay wala na siya marahil naka sakay na eto sa bus nila.



Tuesday, September 13, 2011

TALULOT

Sagana ang aking pamumuhay.Nabibili ko ang bawat bagay na aking naisin. Sa isang kilalang condo sa ortigas ako nakatira at wala ako kahit na isang utang na inaalala.Huh!...dapat lang,dahil hindi lang namang iisang lalaki ang nagbibigay ng suportang pinansiyal sa akin,hindi dalawa hindi rin tatlo...marami...

Alam kong kapag ako ay dumadaan,maraming napapalingon dahil sa aking maputi at makinis na balat,hindi ako mahilig mag tago sa mga mahahabang kasuotan karamihan ay puros maiiksi at kita ang umbok ng aking dibdib at hugis ng aking hita.Alam kong maraming mga kapwa ko kababihan ang napapataas ang kilay kapag nakikita na nila akong rumarampa.Alam kong glamurosa ako kung pumorma.Siyempre para maka akit ng mas marami pang uto-utong lalaki.At hindi lang basta bastang mga kakalalakihan,yung mga may sinabi sa lipunan.

Isa si Anthony sa mga nababaliw sa aking ganda.Taga Greece siya at naisipang mag tayo ng negosyo dito sa Pilipinas.Isang buwan na raw siya nandito ng maisipan niyang maghanap ng babaeng makakapatid ng uhaw niya sa SEX.Salamat nga daw sa google at natagpuan niya ang isang website na kung saan ay may sarili akong pahina,isang maalindog na larawan ko ang naka agaw sa kanyang atensyon.Simula ng mag kita kami'y hindi na siya lumayo pa sa akin,sa tuwing kailangan niyang magpa raos ng init ng kanyang katawan ay isang dial lang niya andun na ako sa kama niya.Aba dapat alagaan ko ang tulad niya na galante magbigay.sa isang linggo ay nakaka bente mil ako sa kanya.

Si Teddy,isang abogadong taga DasmariƱas Makati.May asawa at 3 anak,ngunit pawang mga binata na at dalaga,samantalang ang asawa naman niya ay isang lumpo,ayon yan sa mga kwento sa akin ni teddy,wala naman akong pakialam sa personal niyang buhay,ang importante mabayaran niya ang renta ko noon sa apartment ko.
Nakilala ko din isang manager ng isang kilalang telecom,may edad na pero mahilig parin halos araw araw niya akong tinatawagan para makipag kita.Andyan din na mapick up ako ng isang Indian habang naglalakad ako sa makati avenue.Si Frank,si Kaleb,Mark at marami pa silang nagparaos sa akin na hindi ko na matandaan pa ang mga pangalan.
Lahat sila ay pinakinabangan ko,oo pinag sawaan nila ang katawan ko pero hindi ang aking puso at kaluluwa,tinabayan ko ang aking loob,wala ni isa man sa kanila ang nakapag palambot ng aking puso,katwiran ko ,hindi naman nawawalan ng laman ang sikmura ko kaya kahit anong gamit sa akin,tumataginting na ngiti ang nasa labi ko,maginhawa na naman ang pamilya ko sa probinsya,kunti nalang mapagtatapos ko na ang dalawa kong kapatid.

Hindi ako madrama na tulad ng ibang mga Pokp-k diyan maraming drama sa buhay.Kesyo hindi gusto ang trabahong ganito.Sino ba ang hindi gustong kumita ng maraming pera aba sa hirap ng buhay ngayon,maraming maiinggit sa akin kung malalaman lang nilang sa loob ng 2 taon ay nakapag pundar akong ng bahay at lupa sa probinsya namin,oo hindi ako propesyunal,pero mas malaki ang kinikita ko sa presidente ng pilipinas,hindi ako naka gradweyt ng kolehiyo pero ni minsan hindi ako naging tambay.Kahit linggo nga ay kumakayod ako,ganyan ako kahigpit sa trabaho ko.Hindi naman ako ignorante sa mga tourist spot dito sa ating bansa,marami narin akong napuntahan,kahit sa ibang bansa ay nakatuntong narin ako,lahat yan ay libre na kumita pa ako.

Hindi rin naman ganun katigas ang puso ko,minsan naiisip ko kung ano kaya ang mararamdaman ng mga misis o partner ng mga lalaking senerbisyuhan ko kung malaman nilang,may ibang kinalulukuhan ang asawa nila,nakaka awa.
Noong nakaraang taon ay may hindi ako inaasahang bisita na kumatok sa unit ko.Paulit ulit na nag doorbell,sunod sunod, halos mabingi ako.Pag bukas ko ay ,malutong na sampal ang bumungad sa akin.Malakas ang boses niyang tinanong kung ako nga ba ang babaeng kinalulukuhan ang kanyang asawa,hindi pa ako nakakasagot ay marami na siyang sinabing masasakit na bagay,makailang beses lumipad pa ang palad niya,hinablot ang buhok ko,sa ilang segundo ay nakaramdam ako ng sakit sa mga pinag gagawa niya,pero tila isang pelikula na isa isang bumalik sa alaala ko ang sinapit ng aking pamilya,isang babae rin ang dahilan ng pag kakabaon sa utang ng aming pamilya,nahinto ako sa pag aaral ,nailit ng banko ang bahay na pinundar pa ng aking mga lolo at lola pa.Nag kasakit ng malubha ang aking inay simula ng iwan kame ng aking walang hiyang ama at sumama sa babaeng walang puso.At ngayong nakaka bangon na ako,naibibigay ko na ng sobra sobra ang pangangailangan ng pamilya ko,masaya na si inay at mga kapatid ko,hindi ko hahayaan ang kahit na sinong tapakan at laitin ako,hindi ko hahayaan na kung sino na lamang ang humadlang sa trabaho kung ito!
Mula sa pag kakasabunot niya ay itinulak ko ang babaeng kanina pa umaalispusta sa pagkatao ko,nagulat siya at napatitig lang sa akin,tsaka ko lang na masdan ng mabuti ang kanyang anyo,may edad na siya at kulubot na ang balat makikita mo ang mga guhit nito sa noo,marahil ay asawa eto ng isa sa mga matatanda kong customer,marahil si Albert ung taga Customs o si Rigor may ari ng isang restaurant,ah wala na akong balak pang alamin.Sinamantala ko ang pagkaka taon at mabilis akong umatras,inabot ko ang intercom, saka ko buong diin na sinabing "ako nga ang pinagpaparausan ng asawa mo,(kahit hindi ako nakatitiyak kung sino),at kaya ka pala niya niluluko,huh!,tama nga ang sabi niya masama ang ugali mo!lumayas ka na dito kundi ay ipapakaladkad kita sa guard!bilis layas!"
Natataranta naman siyang tumakbo patungo sa elevator,ngunit nagbanta pang babalikan ako at hindi titigilan kung hindi ko raw lulubayan ang kanyang asawa.Natatawa naman akong nilock ang pinto ng unit ko,paano ko naman maiiwasan ang asawa niya eh hindi ko naman alam kung sino,hindi naman niya rin nabanggit kung sino ang asawa niya,ahaha!Kung alam lang ng babaeng iyun na napakaraming naluluko sa akin ay baka lalo etong mainsecure.
Hindi rin naman nag tagal ay lumipat na ako ng building,aba kahit hindi ako naduduwag sa mga misis ng mga customer ko ay ayoko rin naman ng maraming away,Ayoko rin naman patuloy akong guluhin.Mag isa lang ako sa unit ko,at punong puno eto ng magagarang gamit,hindi ako mabuburo kahit magkulong ako ng ilang linggo,hindi ako basta basta magugutom kahit ilang araw ako hindi magtrabaho,ngunit wag lang mamatay ang radyo ko,pagkat kapag tumahimik na ang paligid ko ay nararamdaman ko ang bigat ng pag iisa.Sabi ko naman sayo hindi ganun katigas ang puso ko.Mula sa bintana ng aking unit tanaw ko ang ilang mga magkasintahan naglalakad ng magkahawak kamay,kailan ko kaya matatagpuan ang lalaking makapag papatibok ng aking puso?Ung aalagaan ako at hindi puro pag nanasa ang nasaisip,ung utak ang ginagamit at hindi puson?Sino kaya siya?Nasaan na kaya siya?...minsan pa ay papatak ang luha ko kapag pumasok na sa kaibuturan ko ang pangungulila sa pagmamahal.Isa lang akong bata sabik sa kalinga,gusto ko rin naman makasama na ang pamilya ko,pero hindi pa sa ngayun marami pa akong kikitain pera alam ko kaya hindi pa ako dapat huminto.Maraming ka edaran ko ang maiinggit sa akin dahil sa tinatamasa kong kaginhawaan ngayon.Disi syete! ahhhh,bata pa nga ako,tila isang talulot ng bulaklak na hindi pa bumubuka,hindi pa ako handang malanta at magpahinga,kaya hindi pa ako titigil sa trabaho kong eto....Hindi pa sa ngayon.....

Sunday, September 11, 2011

ANYAYA

Si Anya ang pinaka magandang babae sa aming lugar.Wala yatang lalaki na hindi nabibighani sa kanya.Ang pamilya nila ay isa sa pinaka may mabuting kalooban sa aming bayan,kapag may lumalapit na mga kababayan na walang makain ay agad nila etong dinudulutan ng bigas at karne.Ang kanilang pamilya ay may pwesto ng karnehan sa palengke.Pinag pala siya.Kahit ang aming punong bayan ay nagpahayag ng pagka gusto sa kanya.Ngunit ni minsan ay wala kaming nabalitaang nag karoon siya ng kasintahan.

Sino ba naman ang hindi maakit sa matamis nyang mga ngiti na tila walang pinipili,kung sino man ang mapadaan sa kanilang bakuran ay agad niya etong binabati at nginingitian.Walang tao sa amin na magsasabing hindi maganda si ANYA.
Halos lahat ng kadalagahan siya ang iniidolo,natural ang kanyang ganda,walang kahit anong nilalagay sa mukha,kahit pampapula sa labi ay hindi na kailangan pagkat natural na etong kulay mansanas.Ang kanyang buhok na may kaunting kulot at tila lamang palamuti sa kanyang ulunan na nagbibigay sa kanya ng anyo ng isang diwata.AAAhhhh Anya,mahal na kita.

Minsang nangangahoy ako ay may narinig akong isang tinig na tila ibong umaawit sa gitna ng kagubatan.Tinig na humahalina sa aking kaibuturan at sa di ko mawari ay nag aanyaya.Nang sundan ko ang tinig na nagmumula pala sa isa sa mga natatagong Talon ng aming gubat.Andun si Anya,nag kukusot ng ilang mga labahan,basang basa ang kanyang buong katawan.
Bumakat na ang kanyang perpektong kurba sa basa niyang blusa at palda.Wala siyang panloob na pang itaas kung kayat aninag ang mga nakatayo nyang bundok at mala rosas nitong kulay.Nag dalawang isip akong lumapit,ngunit ano ba,pag kakataon ko na eto upang malapitan at makausap sya kung saka sakali.

Ng malingunan niya akoy hindi ko manlang nakita ang pag kagulat sa kanyang mukha,tila ba natutuwa pa siyang nadatnan ko siya sa ganung pagkakataon.Ang swerte ko, kitang kita ko ng malapitan ang makurba niyang katawan.

'Maganda pala ang iyong tinig' naka ngiti kong bati sa kanya, ngunit hindi sya umimik sa halip ngumiti lamang at yumuko upang ilagay sa palanggana ang mga napiga nyang labada.
Lumaylay ang kanyang basang blusa at mas malinaw kung nakita ang mga yaman nya,nag init ang aking pakiramdam hindi ko maialis ang aking mga mata.
Tila napapa hiya naman akong nahuli niyang titig na titig sa mga dibdib niya,ngunit sa halip na magalit ay napangiti lamang siya.
Dahan dahan siyang lumapit.Lumakas ang kabog ng aking dibdib,ano eto at ang diwata ng aming bayan ay papalapit sa akin.
"Alam ko kung ano ang iyong gusto..." ang lambing ng kanyang tinig.

Hinaplos niya ang aking mukha,titig na titig ako sa maamo niyang mga mata.Naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay ay dahan dahan bumababa sa aking katawan,hanggang daklutin nito ang aking pagkalalaki,hudyat eto upang angkinin ko ang kanyang mga labi.
Hindi siya pumiglas,wala kong narinig na pag tutol mula kay Anya,tila isang lason ang kanyang mga halik,nalulunod ako sa init ng kanyang mga palad.Niyakap ko siya ng mahigpit,mahigpit na mahigpit gustong gusto ko ang dampi ng kanyang katawan sa akin,lalong nakakapag painit ang lambot ng kanyang katawan.Pinadama ko ang nagkukumawala kong pagkalalaki.Lumipat ang aking labi sa kanyang leeg,tila nagustuhan naman niya eto,dahil narinig ko siyang humalinghing.Hindi ako makatiis at agad kung hinubad ang kanyang blusa,tumambad ang kanyang malusog na dibdib,nang lumapat ang aking labi ay napasabunot siya sa akin,Ahhh...kanina ko pa eto nais gawin ang mag mistulang batang inaagawan ng tsupon at buong gigil na sumubsub ako sa kanyang dibdib.
Pinag sawaan ko muna ang mga umbok na iyon at patuloy na nilaro ng aking dila ang maliliit at tayong tayong pasas...dahan dahan ko siyang binuhat at dinala sa damuhan upan doon ihiga.Wala akong dapat sayanging oras,pagkakataon ko ng maangkin si Anya.
Agad akong naghubad ng aking pantalon nakita niya ang aking pagkalalaki na kanina pa nag nanais mapasok siya.Tinaas ko ang kanyang palda at kusa siyang nagbuka ng kanyang hita.Hinalikan ko rin ang kanyang mga hita na sa araw araw ay nakatago lamang sa kanyang mga saya.Sino ba naman ang hindi mababaliw sa ganda mo Anya.Muli ay tinutok ko ang aking sandata at nagpakita naman siya nang kahandaan.Dahan dahan akong pumasok sa kweba at napaungol siya,kunti pa ay nasa ilalim niya na ako...Napakapit siya sa aking batok at napapikit.Inundayan ko siya ng isang malalim na bayo,alam kung hindi magtatagal at mararating ko na ang rurok ng kaligayahan,ilang taas at baba ko pa .....

"BANG!!!" putok ng baril.
Hindi ko na naituloy ang aking pag ayuda,nahihilo na akong tinulak ni Anya paalis sa ibabaw niya.Namasdan ko pa ang kanyang ngiti na may halong inis.

"Ano ka ba, bakit ang tagal mo! Nagpakasarap pa etong gagong toh sa akin!" asik ni anya sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki,may hawak na baril.

"Eh nalibang ako kapapa nood sa inyo,wag ka na magalit,ayan na tumba na" ngisi nitong kuya niya.

"Hala katayin mo na yan at ng may maibenta na tayo sa palengke bukas!"
Lumapit sa akin si Anya,namasdan ko pa ang maamo niyang mukha.Yumuko at minasdan akong maige habang naliligo sa sarili kong dugo.

"Wag kang mag alala hindi masasayang ang iyong katawan,humimbing ka na LANDO"

mga huling katagang narinig ko bago ako takasan ng hininga...


SAKLAP....

CALLER

Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang agad ng bahay.Kailangan nasa kuarto nako bago mag alas diyes ng gabi.Nakaka asar ang traffic sa shaw blvd inabot ako ng isat kalahating oras sa jeep , kundi ba naman kase biglang bumuhos etong ulan,bakit ngayun pa.
Tooot toot ...tooot…shet busy na ang line kaasar talaga 10:30 na dami ng tumatawag.Please sana mag ring.(kring….kring…tunog sa kabilang linya)Yes! Nakapasok tawag ko hehe…
“Okay we have another caller,Hello,anong name mo at taga saan ka?”(tinig sa kanilang linya)
'Hello,Dr.Love…thank god na kontak kita,hirap tumawag…im Janiz po from Pasig.'
“Hi janiz,swerte mo na ngayung gabi,ilang taon ka na?,san ka sa pasig?”
'19 po,dito lang po ako sa may Capitol hills.Dr.Love hanapan mo ko right partner ha…hihihi'
“Ang harot!... 19 ka palang bata ka pa,estudyante ka pa for sure.,oh eh ano ba gusto mo?lalaki babae bakla tomboy,bata matanda?...alam ba ng magulang mo na tumatawag ka dito?”
'Haha,hindi eh,Dr.Love nasa Hawaii parents ko po.'
“Uhmm rich kid ka pala,oh anong type mo ba?”
'Syempre po guy,haha,ung guwapo po maganda boses tsaka pareho ko pong nursing ang course' sana.
“Bakit naman gusto mo ng nurse din?”
'Para po naiintindihan niya loads ko.Galing na po kase ako sa isang relasyon na lagi po nag de demand ng oras ko ung ex ko,gusto ko sana ung understanding naman.'
“Okay,dala ka na pala ahahaha…mga kaibigan narinig nyo naman ang hanap ng ating caller,kung sa tingin nyo kayo ang hinahanap nya,tawag na sa ating hotline,now na!”


ZZZZ…zzzzz…nag vibrate ang cell phone ko,aga naman nito 5:30am palang ah.
“Good morning sweetie,on my way to East med na,ingat ka sa duty mo later,I love you”
Ah si Clarence,1 week ko na syang ka text,sya yung partner na binigay sakin ni Dr.Love nung tumawag ako sa show ng Love is in the air sa radyo,Matagal nako nakikinig dito at first time ko tumawag,wala lang nag babakasakali lang.Marami na rin kase akong naririnig from our campus na marami daw nagkakatuluyan dahil sa radio program na eto.Eto nga si Clarence,24, registered nurse,taga Dasma sa Makati,sweet naman sya ,actually lagi nya ko pinaaalahanan kung kumain naba ako ,o kaya matulog ng maaga.Okay naman sya kausap sa telepono,infact passionate sya kausap,isa sa mga hinahanap ko sa isang lalaki.Isang lingo na kameng mag on sa text,eh text lang naman eh ,hindi pa naman kame nag kikita talaga,although may mga plano na kame kung kelan at saan kame mag eyeball medyo nag papakipot pa ako ng kunti.Excited narin naman ako Makita sya,lalaking lalaki ang dating ng boses niya,sobrang lambing minsan napupunta sa maseselang bagay ang aming usapan,ahihi ramdam ko madalas nagiinit sya kapag naglalambing na ako sa kanya.Marami narin naman siyang naikwento sa akin tungkol sa pagkatao niya,tulad ko ay nasa abroad din daw ang mga magulang nya,mag isa siyang nakatira sa condo unit niya sa Makati mahilig daw sya kumain at manood ng tv,at mas gusto niyang nasa bahay lang pag walang pasok.Mga ugaling gusto ko sa isang tao ay nasa kanya.Kaya next week hindi na ako mag papakipot makikipag kita na ako sa kanya.
Isang oras na akong nag hihintay kay Clarence,panay tingin na sa akin ng mga crew dito sa Gloria Jeans sa glorietta.Siguro pinagtatawanan na nila ako,ininjan na ata ako nitong lalakeng eto.
Aba maya maya lang ay may matangkad na lalaki pumasok ,medyo kulot ang army cut nitong buhok,kayumanggi,lalaking lalaki ang kulay…eeehhh guwapo,abat palapit sa akin,eto na yata si Clarence ko.
“Hi,sorry pinaghintay kita,sira kase ung kotse ko kaya nag commute lang ako”
‘Ah ganun ba’,shet dko maalis ang mga mata ko sa kanya malalaglag na yata ang panty ko!
“Uhm,tara, samahan mo ako sa bahay ng tropa ko may kukunin lang akong gadget”
‘Ha!,saan ba yun?...pwede…cge…’ ano ba eto natataranta ako,hay naku ang gentleman pa inaalalayan ako sa braso.Haba ng hair ko!
Ano ba etong lugar na eto,ang gulo ang daming tambay,ang daming dumi ng aso sa kalsada.At ang mga tao mukhang hindi naliligo,ano ba etong lugar na eto ng tropa ni Clarence?...
“Hoy Utoy,sino na naman yan ha!?” nakakatakot naman yung lalaking yun kung maka sigaw kay Clarence akala mo close sila,mukha namang adik.
Ganito pala ka down to earth etong Bf ko,kahit laki sa yaman hindi siya naiilang sa ganitong lugar at mga klase ng tao.Kinamayan pa nya ung mga matatanda nag iinuman sa gilid ng eskinita.Napaka galang.Pero teka ano ba etong pinapasok naming bahay parang bahay ng kalapati,luma na ang dingding na kahoy puro butas pa ang bubong.
“Pa sensya ka na ha?,medyo magulo dito.”
‘Ah okay lang,hindi naman siguro tayo magtatagal ha,Clarence?’ masusuka yata ako sa baho dito. Ang daming bata,at mukhang mga walang cr mga taga rito.
“Maupo ka muna,gusto mo ba ng softdrinks?,tinapay?”
‘Ah ok lang kahit ano,asan na yung tropa mo?’ pungay talaga ng mata niya,at ang labi nya mamasa masa parang ang sarap halikan.
“Jan ka lang tatawagin ko ha,oh uminom ka muna nag coke”
Wow may libreng sine pala dito,ayun ang mga tao sa labas nag kukumpulan may nag aaway yatang mag asawa.Asan na ba yun si Clarence ang init dito walang epek ang lamig nitong coke,wala manlang electric fan.Tagal ha,inaantok ako?...inaantok nga ba ako o nahihilo?...
‘Shet…Clarence bakit nakatingin ka lang jan sa sulok,nahihilo ako….’
“Oh humiga ka muna,wala pa ung tropa ko”
‘ano ka ba wag mo kong hawakan sa bewang,uupo nalang ako’ hindi ko na masyadong maidilat mga mata ko,pero nararamdaman ko hinahalikan niya ako sa leeg,at pilit nya akong hinihiga.
“Wag ka nang umangal tayong dalawa lang naman dito,wag ka mag alala hindi ka masasaktan”
Madilim na ang gabi ng magising ako,pinapapak na ako ng lamok .Ha! nasa loob parin ako ng mabahong bahay na eto.Aray! ang sakit ng balakang ko,teka ang walang hiya iniwan lang akong naka hubad at naka kalat sa sahig mga gamit ko.Nasan naba ang lalaking yun.Hindi ko pa naman alam kung paano umuwi mula rito,ang walang hiya niya pinag samantalahan lang niya ako.Hala wala ang cellphone at wallet ko!!!Kanino ako mag tatanong kung paano umuwi?...Nahihirapan ako mag lakad.Ang mga tambay na eto nakatitig lang sa akin alam ba nilang biktima ako dito?,Nasan ka na Clarence?Bakit mo nagawa sa akin eto?! Bumuhos pa ang ulan para akong tanga naka tayo lang dito sa highway,ano ba ang sasakyan ko? Walang jeep na dumadaan pa pasig,nilalamig na ako…Di bale hindi naman obvious na umiiyak ako,pero nahihilo parin ako,hindi lang katawan ko ang masakit kundi pati puso…Clarence kung nasan ka man sana makonsensya ka …..DILIM….
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...