Monday, October 3, 2011

Bakit?

Ilang buwan na simula ng naghiwalay tayo,hindi na rin kita nakikita sa kanto,na kung dati'y doon ka madalas naninigarilyo,siguro sa iba ka na dumadaan at tinigil mo na ang iyong bisyo.
Minsan naiisipan kitang silipin sa terrace nyo,di ba mag ka lapit lang naman tayo ng tirahan,pero kahit ganun parang tinatago ka ng pagkakataon.
O sadyang iniiwasan mo ako,tulad nalang nung mga huling buwan natin bago ka tuluyang nakipag hiwalay.Takang taka ako kung bakit bihira ka na mag text o tumawag,na kung dati rati ay hindi ka halos makauwi sa inyo dahil ang gusto mo mag ka kwentuhan lamang tayo.Nagagalit na nga ang nanay mo sayo,baka gusto mo na daw mag asawa kaya halos mag hapon ka na nasa amin.Ako man halos ayaw na rin kita pauwiin na kung pwede lang mabuhay ng katabi ka mag hapon hala sige ok lang wag na tayo kumain at matulog.
Naalala ko hatid at sundo mo ako sa trabaho,kahit pagod ka hindi ka nag rereklamo,kahit wala ka ng pang gas ,kukupit ka sa nanay mo para lang makarating ka sa opis ko.Sobrang taba ng puso ko sa mga ginagawa mo,isa ka nga raw dakilang boyfriend sabi ng mga officemate ko.Mag kasama naman tayo nung bago ako pumasok pero ayun pag uwi mo magbubukas ka agad ng Fb mo para mag ka chat tayo.Namimiss ko na iyon,sana alam mo yun...
Simula ng nag tapat ka ng pag ibig mo sa akin,wala na akong ibang ginawa kundi bumuo ng magagandang plano para sa atin.Unti unti ko ng nakikita ang buhay ko na kasama ka,nag iisip na nga ako kung anong kotse ang bibilhin natin,siguro pwede na muna ang sedan type na kotse tutal dalawa palang naman tyo,gagamitin lang natin pamasok sa trabaho,at kung sakaling maisipan naming mag roadtrip,di ba?.
Pero siyempre darating ang panahon at bubuo na tyo ng pamilya natin,kung kayat mag kakaanak tayo ,dapat lamang na bumili tayo ng mas malaking sasakyan,mag van type tayo,diba limang anak ang gusto mo.
Ah dalawang kotse siguro para kung sakaling nag aaral na sila ay ako nalang mag hahatid at sundo sa kanila sa school  habang ikaw ay kumakayod para sa ating kinabukasan.
Ako naman bilang may bahay mo,aayusin ko ng mabuti ang bahay na bibilhin natin mula sa isang kilalang developer,lilinisin ko ng mabuti bawat kuwarto.Wala kang makikitang kahit na anong kalat,kase alam kong ayaw mo ng magulo,ikaw na yata ang pinaka organize na taong nakilala ko.Ang kuwarto natin laging mabango,para kung pagod ka na ay makapag papahinga ka ng maayos.Sa mag hapon na wala ka at kumakayod wala akong ibang gagawin kundi pag butihin ang pagiging isang may bahay,mag aaral akong magluto,at makikita mo ako sa garden natin na naghihintay sayo tuwing hapon.Wala kang maririnig mula sa mga kapitbahay natin sa subdivison kundi puro papuri dahil napa ka perfect ng pamilya natin.

Haaayyy...sa isang iglap na hindi ko mawari lahat ng yan tila hindi na mag kakaroon ng katuparan.Bigla kang nag bago at hanggang ngayun hindi ko parin maintindihan kung bakit?...
Bakit nga ba? dahil ba lagi mo akong kasama ay nag sawa ka na?,tatlong taon palang naman tayong nag sasama parang napaka bilis naman yata?
Hindi ba ang mga mag katipan habang buhay ang nais na pag saluhan?.
Masyado ba akong madaldal?...hindi naman di ba dahil sa mga oras na mag ka away tayo kahit ikaw ang may sala ay nananahimik ako,pinababayaan kitang sabihin lahat ng gusto mo na kahit minsan ay nasasaktan mo na nga ako ay wala kang naririnig na masakit na sumbat mula sa akin,oo marunong akong mag hintay ng tamang panahon,hahayaan ko munang humupa ang init ng ulo mo bago ako magbigay ng opinyon .Naalala mo ba nung minsang nag kasagutan tayo ay bigla mong hinablot ang carpet na kinatatayuan ko dahil natapon doon ang pinaluto mong pulutan,dahil sa hindi naman ako nakahawak agad sa pader ay bumagsak ako at tumama ang ulo ko sa semento.Tinakbo mo ako sa ospital dahil nag susuka na ako sa hilo,tinawagan ko si Papa dahil wala naman tayong pambayad sa ospital nung mga oras na yun,pero nagalit ka dahil takot kang malaman nila kung ano ang tunay na nang yari,pero dahil mahal kita nag sinungaling ako ng tanungin ako ni papa,sabi ko nadulas lang ako sa banyo.
O baka naman na turn off ka dahil hindi ako magaling sa kama,alam mo naman ikaw lang ang lalaking naka angkin sa akin.Sayo lang ako natutong humalik.Kung ano ano ang posisyong pinapagawa mo pero kahit hirap ako at medyo nasusuya ay sige lang sinusunod ko dahil gusto kong masiyahan ka.
Nawalan ako ang trabaho at tumambay ng ilang buwan sa bahay.Kahit load ay wala ako kung kaya't ikaw ang madalas na tumatawag sa akin.Pero khit ganun,iniipon ko ang pinapadala ni papa para makabili ako ng pangarap mong gitara.Natatandaan ko ilang beses mo sa akin binanggit na gusto mong makabili ng bagong gitara,yan kase ang bisyo mo di ba ang tumugtog at sa totoo lang yan ang isa sa mga nagustuhan ko syo,pareho kase tyong mahilig sa musika.
Siguro nga nag sawa ka na sa pag suporta sa akin.Pero hindi bat may trabaho na ulit ako nung nakipag hiwalay ka?...Kaya nalilito ako bakit nga ba?Alam mo bang napaka hirap mag simula ulit ng hindi nasasagot an mga tanong ko?
Ang sakit sakit na wala na akong ginawa kundi mangarap ng para sa ating dalawa,binubuo ko na ang buhay ko na kasama ka eh,lahat ng maiisipan kong bilhin laging may share ka,ayoko na ngang mabuhay ng hindi ka kasama,sabi ko nga sa mga kaibigan ko na pangarap kita,isang pangarap na nung matupad ay nabuo ang pagkatao ko.
Oo ilang buwan na nga nung nakipag break ka pero hanggang ngayun parang walang katapusan ang mga tanong sa isip ko ,kung saan ba ako nag kulang,ano ba ang nagawa ko?
Nung araw na tanungin kita kung bakit bigla ka nalang nag iba ang sagot mo,Ikaw ang may deperensya,ikaw ang may kasalanan...pero hindi ko maintindihan,sabi mo pa pagod ka palagi sa trabaho kaya wala ka ng panahon pa para sa akin,pero hindi ba sa isang relasyon dapat may unawaan,kaya ok lang kahit lagi kang pagod ay hindi kita kukulitin makapag pahinga ka lamang,pababayaan kitang matulog basta alam kung pag gising mo ay tayo parin.Isang araw tinapat mo nalang ako na ang dahilan ay may natitipuhan ka ng iba...parang binayo mo puso ko at dinurog.Lalo akong naguluhan,anong meron siya na wala ako?...hindi mo rin nasagot.
Hindi maubos ang luha ko sa sobrang sakit na dinulot mo.Wala akong tigil sa kakatanong bakit mo nagawa sa akin eto?
Nag uubos ako ngayun ng oras  ko sa piling ng ilan kong kaibigan,nauunawan nila ang nararamdaman ko,Minsan naisip ko,gumanti sayo ano kaya kung mag pain ako ng isang babaeng paiibigan ka at  iiwan bigla,na sanay maramdaman mo din ang sakit na nararamdaman ko,na sana ay mahiwa ka din ng nakamamatay na hapding dinulot mo sa pag katao ko.Isang araw nakita ko ang dati kong karelasyon bago naging tayo,nag sabi din siya ng mga hinanakit niya sa naging kabiyak niya kung kaya dala ng kalasingan ay nagawa naming pawiin ang uhaw ng aming mga katawan.Sa sandaling pag kakaton naramdaman ko ang kalayaan simula ng iniwan mo ko,naging masarap ang bawat haplos niya sa akin,hindi kita naalala dahil mas magaling siya sa kama kesa sayo.Ngunit pag kalipas ng mga raw na paulit ulit naming ginagawa ang gayon ay bumabalik ako sa realidad,alam kong mali eto ,ano nalang ang sasabihin mo?,napariwara ako ng dahil sayo bibigyan kita ng dahilan upang makapag yabang na may isang babaeng nasira ang ulo ng dahil sa sobrang pagibig sayo.Hindi...hindi dapat na maging isang kabit lamang ako dahil nabigo ako sa tulad mo.Pero sana alam mo kung gaano kahirap ng pinapagawa mo na limutin nalang kita,sana alam mo kung gaano kahirap manghula ng sagot kung bakit ginawa mo sa akin eto,sana alam mo na ang bagal bagal ko maka move on dahil wala kang binigay na matibay at sapat na sagot sa tanong ko.Sana alam mong nakapatay ka ng isang taong walang ibang pinangarap kundi mabuhay ng kasama ka.

Chapter 2: mAy GuStO aKo SaYo

Enchanted Kingdom,eto ang huling distinasyon ng aming field trip.Hindi ko alam kung bakit taon taon kasama rin eto sa mga pinupuntahan,marahil pang akit eto sa mga estudyante,hindi naman sa lahat kase ng panahon may kakayahan makapasyal sa mga ganitong lugar ang iba naming ka eskwela.

Habang naglalakad kaming mag babarkada,hindi rin matigil ang bibig ng aking mga kasama,hindi kase mapag kasunduan kung ano ang aming sasakyan.Na kung pwede lang sabay sabay ,marahil ginawa na nila.Ako naman hindi mapakali,malikot ang aking mga mata sa paghahanap sa isang tao.Para akong naghahanap ng karayom sa gitna ng bukid,paano ba naman hindi lang kame ang eskwelahang nag lakbay aral dito,may tatlo pang ibat ibang unibersidad ang masayang naglilibot sa park na eto.

"Teka nga mazel,kanina pa kame daldal ng daldal dito,pero ikaw parang nawawalang kuting  diyan!" baling sa aking ni michelle.
"Ha! eh,bahala na kayo kase kung ano gusto niyo sakyan,dito nalang ako hihintayin ko nalang kayo." sagot ko sa kanya saka umupo ako sa isang bench sa harap ng periswheel.
"Ano ba yun!,kj naman nito."banat agad ni michelle.
"eh taon taon naman nandito tayo nasakyan ko narin naman lahat ng rides dito last year noh!",irap ko,sabay lingon sa likod ko,nasan na kaya siya?

"kainis naman etong camera ko,ang bilis malowbat,pahiram naman ako ng digicam mo mazel" si coring
"Sige kunin mo sa bag ko," sabay hagis ko ng bag kay coring ng hindi ako tumitingin,hindi ko napansin na may padaan palang lalaki sa harapan at siya ang tinamaan.

"AW!" sigaw niya,nasalo niya ang bag ko natumama sa dibdib niya,kasabay ng pagtayo ko dahil sa pag kagulat ay biglang kumabog ng malakas ang aking puso.Totoo ba eto?...hindi ko napansin na na pako na pala ang aking mga mata sa kanya.Ang lalaking kanina ko pa hinahanap,eto sa aking harapan.

"hazel,sayo ba eto?" bigla bumalik ako sa huwisyo,inabot niya ang bag ko sa akin.
"ah..oo" abot ko ng bag ko,"naku sorry ha,hindi ko kase napansin na may dadaan pala" nakatitig parin ako sa kanya ngunit ang aking katawan ay nanginginig habang yakap yakap ko na ang aking bag.
"ok lang yun,ang daming tao dito ngayun noh?" sagot niya sa akin,bigla siyang umupo sa bench na kanina ay kinauupuan ko rin.
"ha?...uhm oo nga eh,nakakahilo mag lakad"...sagot ko na hindi ko malaman kung uupo narin ba ako sa tabi niya,ako naman talaga ang naunang naka upo dun kanina...bakit ba...
ang aking mga barkada hayun at nagbubulungan,nakatingin sa amin at tila nakaka loko ang mga ngiti.
"Mazel diyan ka muna ha,sasakay lang kame sa Wheel of fate!" sigaw sa akin ni thea,sabay takbo nila palayo
"Ha?! teka..."natigilan nalang ako at napaupo ulit...hindi parin ako mapakali na katabi ko ang crush ko,teka inhale exhale,relax relax...baka mahalata niya ako

"ok ka lang ba?...parang hinihingal ka?" puna niya sa sakin,patay halata nga ako.
"oo naman,napagod lang ako kanina pa kase kame naglilibot dito.
"Mazel?...di ba hazel ka?,"tanong niya naka titig ngayon sa akin.
"ah...(ayyy nakatingin siya sa akin,baka may morning glory ako nakaka hiya) short for mareng hazel yun,yan kase tawagan namin magbebestfriends" pasimple kong pinunasan ang aking mata kunyari ay pinapapawisan lang ako.
"ikaw?,(baling ko naman sa kanya) bakit pala EYSHO, ang nick name mo?" matagal ko naring tanong yan sa isip ko,nakaharap narin ako sa kanya habang nag hihintay ng sagot.
"Di ba Ethan Johnson ang name mo ang layo yata sa palayaw mo?"
inaayos niya ang kanyang sapatos habang sumasagot, "Alam mo kase nung bata ako bulol ako,ahaha,tuwing tatanungin ako ni papa kung saan ko gustong kumain kapag namamasyal kame  Eyshocat sainasagot ko."
"ha? eyshocat? ano yun?"nagtatakang tanong ko habang tinitingnan ko rin ang sapatos niya.
"HAHA aristocrat!...(tumingin siya sa akin) yun daw kase paborito kung kainan nung bata ako"
nagkwento pa siya ng mga naging paborito niyang puntahan nun bata siya.
Sa totoo lang habang nag sasalita siya lumilipad naman ang aking diwa,Ethan Johnson...yan ang pangalan ng aking crush,magkasing edad lang kame, mas maputi pa siya sa akin,may lahi kase siyang german sinuwerte ang nanay niya nakapag asawa ng foreigner,kaya ayan ang guwapo ng resulta.Mamula pula ang mga daliri niya,hindi siya masyadong mabalbon,tama lang malinis tingnan,nasa lower section siya kase ngayung taon lang siya nag transfer sa eskwelahan namin,pero kahit bago lang siya,siya ang tinanghal na campus crush nung foundation day kame.Matangkad siya at laging naka clean cut ang buhok kasapi siya ng taekwondo team namin,kailan lang din ipinadala siya ng eskwelahan namin sa spelling contest,matalino siya at higit sa lahat hindi siya suplado.Hayyy eysho...

"hazel?...ayos ka lang?" nakatingin na siya sa akin,mukhang nagtataka
"ha?! ah oo...tinitingnan ko lang yung nagtitinda ng cotton candy ayun oh" turo ko dun sa mamang tulak ang cart ng cotton candy,siyempre kailangan ng palusot para hindi nakakahiya
"ah!oh pano dun muna ako ha,ok ka lang ba diyan?" tanong niya na nakatayo na
"oo naman!,ok lang sige na baka hinahanap ka na ng mga classmate mo" ay iiwan mo na ako?...sabi ko sa isip ko.
"ok sige,see you nalang sa school" patakbo na sana siya ,ng tawagin ko ulit,teka pasilay mo na ulit.
"ah,ethan!...(lumingon siya) sorry nga pala ulit ha" habol ko
hindi na siya sumagot,ngumiti nalang at nag lakad na palayo.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...