Saturday, September 18, 2010

Pangarap kong Lotto



Sikat na sikat ngayun ang PEPITO MANALOTO ng GMA 7,kahit ako natutuwang panoorin eto,sino ba naman ang hindi madadala sa pag papatawa ni Michael V.
Ang konsepto ng palabas ay hinango base sa mga pangarap ng pinoy ,ang manalo ng jackpot sa lotto.Sino ba naman ang hindi na ngangarap makuha ang ilang milyong papremyo ng lotto,tiyak pag nanalo ka nito hindi ka na makakatulog kabibilang ng kung ano ano ang bibilhin mo.
Siyempre kapag nanalo ako bibili ako ng bahay,mansion kung maari,ilang magagarang kotse at aambunan ko ang mga kamag anak ko ng hindi na sila manghihinge pa ng tulong kung kani-kanino.

Pero totoo ba na may nananalo sa lotto?Marami akong naririnig na may kaibigan ,kakilala o kamag anak daw sila tumama sa lotto,na kesyo tinayaan daw ang napanaginipang numero at ayun swerteng lumabas daw ang mga numero.Meron din naman tinitingnan sa mga itlog ng malalaking gagamba ang numero,ang nanay ko naman inaabanangan ang kapatid kong bunso tuwing matutulog at managinip dahil madalas etong mag banggit ng mga numero kapag tinatanong daw nang nananaginip.
Sa dami ng mga kwento hindi ko mabatid kung paano nag kakaroon ng panalo sa lotto,minsan akong tumaya at ang mga numero ay hinango ko sa birthday ng aking mga anak ,sa kabutihan palad balik taya naman ako.
Marami din naman akong nababasa na imbes maging maginhawa ang buhay ng tumama sa lotto ay lalong nasadlak sa bisyo ang mga eto dahil sa maling pag tingin sa pera,hindi naman ako naniniwala na masama ang pera ,ang mga taong humahawak dito ang nagpapabayang kainin sila ng pagiging ganid sa materyal na bagay gaya na ng bisyo.
Ang sarap sarap siguro ng pakiramdam na pag katapos mong manalo sa lotto ay makakapunta ka na sa mga lugar na gusto mong puntahan,halos lahat mabibili at magagawa mo nga naman kung may pera kang hawak.
Pero mas may sasarap pa ba kung pag katapos mong manalo ay makapag abot ka sa iyong pamilya na nangangailangan ng tulong,at makapg donate manlang sa mga bahay ampunan o sa mga nasunugan.Siguro yun ang pinaka masarap na magagawa mo kapag marami kang pera,ika nga sa isang kasabihan sa ingles 'the more you give the more you recieved'.

Sa totoo lang pag tumataya ako ng lotto,nag papasalamat na ako agad sa premyong tatanggapin ko kung saka sakaling palarin ako.Pero kada bayad ko sa kahera iniisip ko malayo ang mapupuntahan ng perang itinaya ko dahil alam kong marami ng natulungan ang PCSO,nung nangailangan ako ng tulong pinansyal para sa operasyon ng anak ko,hindi ako pinag damutan ng PCSO,at araw araw maraming nagtutungo at nag tiyatiyagang pumila dito para makakuha ng tulong.
Kaya sana sa pag taya niyo,wag nyong kalilimutang hindi lang basta legal na sugal ang lotto kundi kawanggawa din eto.Swertehin nawa tyo...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...