Tuesday, November 1, 2011

BEST FRIEND

Mahilig akong mag kwento,lalo na tungkol sa mga karanasan ko,pero hindi ito magiging kumpleto kung hindi kasama ang pinaka matalik kong kaibigan,si Dexter.Wala akong matandaan na mga panahong wala siya sa tabi ko,simula nung 3 taon gulang pa lamang ako at lumipat kame sa subdvision nila ay siya ang unang nakilala ko,6 na taon na siya nung,walang kapatid kung kaya't nawili daw siya sa akin at tinuring na baby sister.Wala kaming lihim sa isat isa,hindi naman siya mahigpit na kaibigan hindi rin siya mapag panggap sasabihin niya sa akin ng diretso kung ano ang nasa isip niya.Nung nasa high school na kami ay lagi niya kong hinihintay umuwi at nung mga panahong may nais na mag pakitang gilas sa akin ay siya ang kumilatis,hindi rin naman niya nililihim kung sino ang mga natitipuhan niya,pero ni minsan hindi ko naramdaman na binalewala niya ako at kinalimutan.
Sa unang halik ko ay siya din ang unang naka alam,hindi na ako nahihiya mag sabi  kanya ng mga pinapantasya ko hindi rin naman siya nag kukulang ng payo.Minsan nga ay tinutukso pa kami ng ibang tropa ,pero para sa amin isang biro lang iyon,hindi namin nais na masayang ang pagkakaibigan namin,masyado ko siyang mahal bilang kapatid at ganun din siya.Etong si Dexter kahit may sakit basta kailangan ko ng kausap aakyat sya sa bintana ko kahit dis oras ng gabi,at kinabukasan malalaman ko nalang putok na ang nguso ng lalaking nanakit sa akin.Naalala ko pa nga nung minsang sumama ako sa gimik ng mga kaklase ko ay tinawagan ko siya upang humingi ng saklolo,paano'y nais ko ng umuwi eh hindi naman ako pinaaalis ng mga kaklase ko,kung kaya't dumating si Dexter ,natakot naman sila nung makita nilang naka titig na sa kanila si bestfriend ko.At ng makalabas na ako ay nagtawanan nalang kameng dalawa,hindi naman kase totoong galit eto,pero dahil banat ang katawan sa gym at katangkaran nakakatakot nga naman kung talagang mainit ang ulo nito.
Idolo ko din etong si best friend ,ni minsan ay hindi ko nabalitaang nanakit ng babae,ilan narin ang naka relasyon niya at pawang mga papuring salita lamang ang naririnig ko patungkol sa kanya.Nung minsang tanungin ko siya kung bakit nag kahiwalay sila ng girlfriend niyang si Cheska ay natawa lang ako sa sagot niya,"hindi ko kase mapag bigyan sa gusto niya,katawan ko kase ang mahal niya" sabay kindat sa akin...ahahaha kahit alam kong nasaktan din siya ay hindi ko siya narinig na magbitiw ng masasakit na salita laban sa mga babae niya.
Wala yata akong masabing hindi maganda kay best friend,napaka bait kasi niyang tao,siya din ang nagturo sa akin na idonate nalang ang mga luma kong damit sa isang institusyon ng mga kababaihan,ang pamilya nila ay madalas mag kawanggawa.
Sumubok din naman kami ng mga bagay na tinitikman ng mga kabataan,pero hindi ako magkakalakas ng loob na gawin ang mga iyun kung hindi ko siya kasama,kampante ako pag nandiyan siya ,dahil alam kong hindi niya ako pababayaang malulong ng basta basta.

Ika-18 na kaarawan ko na at siya ay 21,kami parin ang matalik na mag kaibigan,siya parin ang kaisa isang taong nakaka alam ng lahat ng aking sikreto,siya parin si best friend ko na pinagtatawanan ako sa mga corny kong jokes.Habang sumasayaw kami sa aking kutilyon ay binulong niya sa akin ang nakita niyang nakatagong regalo ng magulang ko para sa akin, "may nakita ako!...pero hindi ko sasabihin" bulong pa niya. " ano yun?!" tanong ko naman, "pag sinabi ko sayo hindi na yun surprise,pero kung may bayad sige baka sakaling sabihin ko,mahalagang impormasyon yata eto" napahampas ako sa balikat niya dahil sa pambibitin, "sige na,ano ba kapalit na gusto ?" lumaki ang mga mata niya at bumilis ang ikot ng sayaw namin "sasabihin ko na syo basta ilakad mo ako sa pinsan mo,ayun oh..." pasimple niyang ininguso si Megan,tumango na lamang ako sa pag sang ayon "ok ok yun lang pala,ano ba iyun?" ....


Sa south expressway,alas nuebe ng gabi na at minamaneho ko ang regalong kotse sa akin ng mga magulang ko,eto ang sinasabing surpresa sa akin ni Dexter,isinama daw kase siya ng magulang ko bumili nito dahil siya ang nakaka alam ng mga paborito kong bagay at kulay,hindi naman sila nabigo ,nagustuhan ko talaga etong Honda jazz na blue,at pinangalanan kong DIXIE.
"hoy! ano yang nginingiti- ngiti mo?,ayusin mo yang pag da drive mo noh" saway nito sa akin, sa totoo lang ay hindi pa ako masyadong marunong mag maneho ,isang linggo pa lamang simula ng masakyan ko eto.
"oo na! kala mo naman sa akin engot?,hay naku if i know gusto mo lang dun sa kotse ni megan sumakay" kasabay ko din kase nag mamaneho sila megan at ang isa pa naming pinsan na si LALA.Mas matatanda sila sa akin at sanay na sanay na sa manibela, at bilang katuparan narin ng ipinangako ko kay Dexter na ilalakad ko siya kay Megan niyaya ko silang mag road trip."Ang bilis mag drive ni Megan,oh mag oover take pa sa atin" pansin ni Dexter, "ikaw matagal pa para matuto ka niyan,slow ka eh"...sabay asar at tawa niya sa akin
"Anong sabi mo?!"sigaw at pagalit na sagot ko pero nakangiti naman ako at sabay na kinambyo ko ang manibela.
"anak ng! anong ginagawa mo?...hindi ka pa magaling mag drive,tumigil ka nga!" awat niya sa akin
"kaya ko na noh!ahahaha takot ka noh?"natatawa kong lingon sa kanya "o bakit  namumutla ka na diyan?"
sa pag balik ng mata ko sa daan ay hindi ko napansin ang papalapit na truck,nasakop ko na pala pati ang kabilang lane kung kayat sa pag ka taranta ko ay imbes preno ay gas ang natapakan ko,naramdaman ko nalang ang hawak niya sa kamay ko upang ayusin ang manibela ,ang humaharurot na truck ay bumangga sa likuran ng aking kotse dahilan upang mag pa ikot ikot kame,sobra na ang nerbyos ko napabitiw na ako sa manibela napakapit nalang ako sa seat belt, nakita ko si Dexter na tinanggal ang seatbelt nya at mabilis na niyakap ako,sumisigaw siya "LEXIE YUMUKO KA!...TAPAKAN MO ANG PRENO!!!YUMUKO KA!!!" nakita ko ang isang malaking puno at natataranta akong tinapakan ang preno saka ko naramdaman ang higpit ng yakap ni Dexter,kasunod nun ay ang malakas na tunog ng pagbangga namin hanggang sa nawalan na ako ng malay.

May pumipisil sa aking mga daliri sa paa,hindi ko pa nais gumising ngunit makulit etong kumikiliti sa akin,kung kaya't napilitan akong imulat na ang aking mga mata,at tulad ng inaasahan ko ay ang matalik kong kaibigan ang nasa aking harapan.
"Ayan gising ka na!..." maluwag ang kanyang pagkakangiti
"kulit mo talaga,anong ginagawa mo dito?" nag unat ako at nakaramdam ng sakit sa braso at ulo,napahipo ako sa nuo ko at saka ko lamang napansin na may benda pala ako,at naalala ko ang aksidente
"Best! naaksidente tyo di ba?,ok ka lang ba!" hindi ko na napigilang umiyak
"im so sorry best,hindi ko na uulitin,pasensya ka na ha" nakokonsensya ako dahil sa katigasan ng ulo ko
"shooo...tahan na ha, ok naman na tayo eh,oh ayan at nagising ka na ,hindi na ako mag aalala" alo pa rin sa akin ni Dexter,ng pumasok ang nurse ay nagulat pa eto at tumakbo ulit palabas,tinawag ang doctor.

Ilang araw pa bago ako pinayagang makalabas ng ospital,nalaman ko mula sa aking ina na 2 linggo pala akong na-coma,nag ka roon daw ng internal bleeding ang aking utak dahil sa tindi ng pag kakatama ko sa pintuan ng aking kotse.
Hindi pa ako nakaka lakad ng maayos kung kaya't hanggang bakuran lamang ako ng aming bahay,hindi naman ako naiinip dahil gaya ng dati ay araw araw akong dinadalaw ng aking best friend,natutuwa naman ako at wala siyang tinamong pinsala.
Hinihintay ko nga siya ngayun dahil may pangako siyang may ibibigay sa akin.Habang nakatingin ako sa malayo ay lumapit ang mga magulang ko.
"kumusta ang pakiramdam mo anak?"
"ok naman ako mommy,hinihintay ko lang si Dexter,may usapan kase kame"
nag katinginan sila at nagkunot nuo, "lexie,anak,kaya nga kame nandito ay para sabihin sayo ang tungkol kay dexter" diretsong sabi sakin ni daddy,kinabahan ako
"ha?,bakit?,ano nangyari sa kanya?"nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila
"ma,ano yun?wag niyo sabihing sinisisi nyo sya sa pag kaka aksidente namin?" sobra na ang kabog ng dibdib ko,wala akong mahagilap na dahilan para kausapin nila ako tungkol sa matalik kong kaibigan.
"daddy,wag kayong magagalit kay dexter ,dahil sa totoo lang kasalanan ko ang lahat ,inawat niya na ako hindi ako nakinig,isa pa araw araw niya parin ako inaalagaan kahit naaksidente na kame"
rumihistro ang pagka lito sa mukha ng mga magulang ko.
"anak ,imposble yang sinasabi mo,sa totoo lang anak hindi namin agad sinabi sayo ito dahil baka maka bigat lalo sa loob mo at hindi ka agad gumaling"
"ano ba talaga iyun!,sabihin nyo na!" pinagpapawisan na ako sa nerbyos
"anak,hindi na umabot ng ospital si Dexter,dead on arrival siya sabi ng mga doctor,last week pa na cremate ang bangkay niya dahil,nagkalasog lasog na ito,nabasag ang bungo niya ng humampas sa harapan ng kotse,nabali din ang mga buto niya sa binti" tuloy tuloy na kwento ng aking ama,nalilito na ako at hindi makapaniwala
"nang abutan kayo ng mga sumaklolong  pulis ay nakayakap pa  sayo si dexter,alam namin na pinoprotektahan ka niya,nakita din ng mga pinsan mo ang lahat ng pangyayari,patay na siya anak,at malaki ang utang na loob namin sa kanya dahil iniligtas ka niya"
"HINDI!!! ma,hindi totoo yan,siya ang gumising sa akin sa ospital,pinindot pindot pa nga niya mga daliri ko sa paa!,araw araw nandito siya kasama sinasamahan ako,sinusubuan pa nga niya ako eh,ma,wag naman kayo ganyan,hindi magandang biro yan,imposible yan eh,may usapan kami kagabi na babalik siya dito ngayun dahil ibibigay niya sa akin ung regalo niya para sa debut ko!" tuloy tuloy ang agos ng aking luha,hindi ko matatanggap na totoo ang sinasabi nila sa akin.
Kahit pa ika ika ay pinilit kong tumakbo palabas ng gate at  tumakbo sa direksyon ng bahay nila.Habang papalapit ako ay tinatawag ko ang pangalan niya. "DEXTER!!!,BEST FRIEND! asan ka na ba?"
malalakas ang katok ko sa pinto nila ,"best,(hagulgul) lumabas ka diyan,magpakita ka ,sabihin mong hindi totoo ang sinasabi nila!" bumukas ang pinto at ang mama ni Dexter ang nakita ko.
"Tita si Dexter po,may usapan kase kame ngayun" basang basa na ako ng luha
"Iha..." bigla ay naluha narin siya,napansin ko sa isang sulok ng sala ay ang larawan ni dexter na may nakatirik na kandila at ilang plato ng prutas sa harapan,lalo akong nanlambot.
"Tita please paki tawag si dexter,(pero hindi ko na nahintay ang kanyang isasagot,dumiretso na ako pumasok sa loob at umakyat sa silid nya) DEXTER!!!(pagbukas ko ng pinto ay bumulaga sa akin ang isang painting) best?...best nasan ka ba?" umikot sa buong silid ang aking mga mata,ngunit walang dexter na sumagot,bumalik ang aking paningin sa painting.
Lalo akong naluha ng mabasa ko ang nakalagay sa ibaba ng painting,"to my one and only best friend LEXIE"
"Ingatan mo eto ha?,pinag hirapan ko kaya eto,im your knight in shining armor , love, Dexter" ang painting ay nung 3taon palang ako at sya naman ay 6 pa lamang,unang paskong pinag samahan namin.Lalo akong napahagulgol ,wala na akong magawa kundi yakapin ang larawan na iniwan para sa akin ng aking kaisa isa at matalik kong kaibigan.

5 comments:

  1. Ganda po a'ate :'( .....

    ReplyDelete
  2. Ganda pero nakakaiyak at nakakapanghinayang :(

    ReplyDelete
  3. Ganda pero nakakaiyak at nakakapanghinayang :(

    ReplyDelete
  4. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete

maluwag pong tinatanggap ang inyong mga komento,maari po lamang ay walang bastos na salita,salamat

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...